Martes, Nobyembre 1, 2016

PAGYAMANIN SA HALIP NA ALISIN!

WIKANG FILIPINO—ang wikang siyang nagbubuklod sa isang bansang pilit na pinaghihiwalay ng iba’t ibang kapuluan, lahi, kaugalian, kultura, at pananalita. Ito rin ang wikang nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan bilang isang pamayanan at isang bansang Pilipino. Mahalaga ang wikang Filipino upang maipag-ugnay at maipagbuklod ang isang hiwa-hiwalay na lupain.

Kamakailan lamang ay naglabas ng isang proklamasyon ang Commission on Higher Education (CHED) na tanggalin ang mga beysik na mga asignatura at general education sa kolehiyo tulad ng English, Math, Filipino at Science. Ito ay upang ma-pokus na ang pagtuturo sa tersyaryong paaralan ng mga major subjects ng bawat kurso. Ang mga natukoy na mga asignaturang inalis ay ipopokus na lang sa ilulunsad pan Senior High School o K-12 Program. Bunga nito, may posibilidad na hindi na magagamit ang wikang Filipino bilang wikang panturo dito, sapagkat lahat naman ng mga asignatura, maliban sa Filipino, ang nagtuturo sa wikang Ingles.

Oo. Hindi natin maitatanggi na hindi pa ganoon kayaman an gating wika lalong lalo na sa mga akademikong aspeto. Maraming mga pang-akademikong salita o terminolohiya na wala pang natatagpuang katumbas sa Filipino na siyang nagpapahirap sa atin na ipaliwanag ang isang kaalaman sa wikang ito. Ngunit, hindi ba pwedeng pagyamanin natin and ating wika? Nasaan na ba ang ating mga dalubwika na siyang maaaring magpayabong pa nito? Minsan kasi, ang pagyaman ng wika ay hindi natural umuusbong, kundi ito mismo ay intensyunal na pinagyaman ng mga mananalita at ng bansa. Maaari nating iintelektwalisa (intellectualize) ang wikang Filipino upang magamit na rin ito ng husto sa pang-akademikong usapin.

Kung ako ang tatanungin, payag akong alisin ang mga beysik na mga asignatura sa kolehiyo kasama na ang Filipino. Ngunit, hanggat maaari ay gamitin din natin ang ating wika sa anumang kurso ang gamitin natin upang matatas nating maipahayang sa Filipino kung ano ang ating mga napag-aralan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento